Ibig sabihin nito ayang pagbibigay ng anumang uri ng pinansyal, personal o pang-komersyo na gantimpala, panghihikayat, insentibo at iba pang pabor, direkta man o hindi, na maaaring meron o walang pangalan ng kumpanya, logo, o pangalan ng produkto o brand. (Section 5j, RIRR; Section 20, RIRR)
- Sino ang mga pinagbabawalangmagbigay ng “anumang uri ng regalo”?
Ang mga kumpanya ng gatas, mga gumagawa ng produktong gatas (manufacturers), mga namamahagi ng produktong gatas(distributors) at mga kinatawan ng produkto na sakop ng E0 51 ay pinagbabawalang magbigay ng anumang uri ng regalo (Section 5j and 21, rIRR).Ang probisyong ito sa Milk Code at rIRR ay nilawakan pa ang pagbabawal, hindi lamang sa mismong produktong gatas na lumabag sa Code, kung hindi sa pangunahing kumpanya (parent company)din na siyang mismong gumagawa ng produktong gatas.
- Sino ang mga pinagbabawalangtumanggap ng “anumang uri ng regalo”?
Hindi maaaring tumanggap ng anumang uri ng regalo ang publiko, ospital, at iba pang mga pasilidad na pangkalusugan (health facilities), kasama ang mga health personnel at ang mga miyembro ng kanilang pamilya (Section 21, rIRR). Binibigyang diin na hindi ipinagbabawal ng Code ang pagbebenta ng mga naturang produkto kundi ang pagpapalaganap at ang pagbibigay ng maling pahayag tungkol dito.